ARTICLES

2NE1's SANDARA PARK, Pinanood Ang KATHNIEL Movie Habang Nasa Pilipinas!

2NE1's SANDARA PARK, Pinanood Ang KATHNIEL Movie Habang Nasa Pilipinas!

Posted at August 07, 2014



Talagang sinulit ang sandaling pagbisita ng 2NE1 member na si Sandara Park sa Pilipinas. Una syang nakita noong Martes, August 5, 2014, nang mag-post ng mga litrato sa Instagram ang ilang mga naka-interact nya. Nag-post na rin si Sandy ng litrato mula sa ilan sa mga lugar na pinuntahan nya at mga taong kasama nya dito.


My 2nd home

Kasama rin nyang naglaro ng bowling ang mga kasama nya sa Star Circle Quest at nag-celebrate na rin sila ng 10 years ng kanilang friendship. Makikita ang mga SCQ Alumni na sina Joross Gamboa, Raphael Martinez, Melissa Ricks, at Roxanne Guinoo.

There are some things that never change, and thats friendship with these people!! Sayang kulang!! Yesterday was an Awesome day!! #SCQRules #10years #friendship #AreYouInOrOut

Kinuwento dati ni Sandara na lagi syang updated sa mga Pinoy movies dahil pinapadalhan sya ng DVDs ng mga kaibigan sa Korea. Pero hindi nya pinalampas ang panonood ng isa sa mga blockbuster movies ngayon, ang "She's Dating The Gangster" nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo! Talagang Pinoy na Pinoy pa rin si Sandy sa mga taste nya sa pelikula at mukhang kinilig sya sa SDTG! Ipinaabot nya ang kanyang pagbati sa love team sa Instagram! 

Ang ganda ng movie nyo! Congrats~!!! Kakakilig ang mga batang ito! Krungy with kathniel

Sandaling bumiyahe ang K-Pop star sa Pilipinas upang suportahan ang kaibigan at kasama nya sa YG na si Lydia Paek para sa kanyang show sa Zirkoh ngayong gabi. Tutulak sya ng Vietnam pagkatapos para sa 2NE1 All Or Nothing Tour. 


Feel free to comment below!

How do you feel about this?

Happy 86%
Sad 0%
Laugh 14%
Shock 0%
Angry 0%

Connect

Here's Your Chance To Win Passes To AJ MITCHELL's Virtual Meet & Greet!

PROMO

Here's Your Chance To Win Passes To AJ MITCHELL's Virtual Meet & Greet!

ONLINE VOTE

Vote for your favorite music video here!

You must be logged-in to vote.